Sagot: Ayon sa tala ng Provincial Treasurer ng Marinduque na opisyal na ibinahagi sa MaCEC, ang utang ng Marcopper bilang buwis pang-ariarian sa probinsya ay P 1,048,624,496.80. Read
P 1,013,101,529.51 na utang sa Sta. Cruz (1980-2006);
P 11,164,686.80 na utang sa Torrijos (1983-1996),
P 1,194,977.89 na utang sa Mogpog (1999-2006)
P 23,163,602.60 na utang sa Boac (1985-2006)
Tanong: Magkano naman ang inaabot ng income ng Lalawigan ng Marinduque kada taon?
Sagot: Ayon sa tala mismo ng Provincial Government ng Marinduque hindi na ito bumababa sa P 400-million kada taon. Noong taong 2013 ang halaga ng income ng lalawigan ay P421,465,028.29 (kasama na rito ang IRA, Tax Collection at Sales). Read
Datos naman ang nasa itaas mula sa Department of Finance,
inilimbag ng Rappler June 18, 2014:
Ang income ng Marinduque sa taong 2013 ay
P 416,699,082.00
Mahalaga marahil na ipahayag ang ganitong mga bagay-bagay at katotohanan sa mga usaping karaniwan namang hindi ipinaaalam sa sambayanang Marinduqueno. At kapag kailangang ihayag naman ang mga ganitong bagay lalo na sa usapin ng income o revenue ng lalawigan ay taliwas at kalahati lamang ng totoong halaga ang ipinapabatid sa publiko.
Bakit kaya?
Sa pakikipagpulong ng 'expert witness' na si Atty. Harry Roque sa mga stakeholders ng Marinduque noong Marso 2014, para kumbinsihin ang mga mamamayan na lunukin ang settlement offer, ang mga sumusunod ay bahagi ng kaniyang naging pahayag.
Ang sambayanang Marinduqueno ay may kakayanang maghusga sa kanyang mga pananalita kung may katotohanan o wala:
"... Pero kung iisipin ninyo talaga bang walang makukuha ang probinsiya? Tingin ko hindi naman po. Dahil unang una, nagsimula po tayo noong 1996, wala naman tayong ni pisong nakuha kahit kanino. Itong 20 million po bagamat maliit pakinggan dahil US dollars, 917 million naman po yan in pesos.
"Kung ang kita ng Marinduque ay 200 million kada isang taon, limang taong kita rin po yan. Kung meron pong magsasabing bale wala itong settlement award hindi po totoo yan. Dahil 5 taong kita po yan ng probinsiya. Nung 1996, zero. Nung 2014, 20 million dollars, 917 pesos (sic).
"Pangalawa, hindi ba ang kikita lang diyan ay yung abogadong si Skip? Sa katunayan po, dahil ako ay isang radikal at aktibista, kung ang kikita lang dito ay yung abogadong dayuhan isa po ako sa mga tututol ngayon diyan.
"Pero yan po yung ganda ng mediation. Bagamat merong pinirmahang kontrata na dapat mas malaki ang makukuha ng mga abogado ang sabi ng mediator, "hindi". Ang iyong kita will be fixed. Ok? At kung hindi po ako nagkakamali ang pinix ngayon ay... ano ba yun, five?... ha?... hindi eh ah... six point five at hindi na pupuwedeng mas mataas pa dun. Kasama na po diyan sa 6.5 ang lahat na ginastos nung abogado. Yan po ay order ng mediator. Kung susundin po talaga yung kontrata mas malaki ang makukuha nila. Pero hindi na po susundin ang kontrata dahil nagsalita na yung mediator.
"Ang lalabas po diyan mga 500 something million pa rin ang mapupunta sa probinsiya ng Marinduque. Uulitin ko po, noong 1996 nung nangyari po ito, zero. Ngayon po, at least 500 plus million pesos..."
Para-paraang masasabi kaya ang ganyang tirada?
(Update: Ipinalaganap pa ni Roque ang maling impormasyon hinggil sa income ng Marinduque sa kanyang blog matapos ng kanyang meeting sa lalawigang ito na kung saan ay kanyang isinulat ang sumusunod: "But hey, $20 million dollars is still about a billion pesos. This is hardly a sum of money that can be considered peanuts to a province that earns only P200 million annually.")
No comments:
Post a Comment