Latest News

Confidentiality, lawsuit concerns on Nevada Case



Roque: ...Ay nga pala pro-bono na naman. private p's (?) lang ang kailangan nilang tulong.

Ok.ok. alam mo...hindi... ayaw ko kasing makita.. kasi pag hindi sila tumulong ako'ng idedemanda sa kanila.. di ba lagi naman akong nadedemanda ahahahahaha

Ayaw kong makita nila na at least pag sila'y hindi tumulong lagot sila sa akin... nakita mong mga pananalita ko... baka nakakalimutan natin ang primary reasons nila... (bumulong ang kausap)

... kailangan (inaudible) ng primary eh..

(Katapusan ng pag-uusap)

(...Oh yes pro-bono again. they only need private p's (?) for help.

Ok, ok. you know... I just do not want to see... because if they do not help I will be sued ... Isn't it that I always get sued anyway ahahahahaha

I do not want them to see that at least if they do not help they'd be in trouble with me... you saw how I spoke... maybe we are forgetting their primary reasons... (person he's talking with whispers to him)

... what's needed is primary eh.)

(End of conversation)




Bokal Caballes: Ang nasabi ko po sa kanya, ang tanong ko ay ganito: Attorney Skip, ako bilang kinatawan ng aking mga mamamayan, maari ko bang isangguni sa aking mga nasasakupan ang nilalaman at buod ng nasabi pong settlement agreement na hindi po ako dinidemanda ng Barrick Gold, sapagkat naka-stipulate po doon sa settlement agreement, lingid po sa inyong kaalaman, ay may confidentiality clause.

Kaya kahit po gusto ng kinatawang ito na maisangguni, alam nyo po naman na ako ay 100% na tutol dito po sa nasabi kong settlement agreement, ako rin po ay binubukas ang aking isip at damdamin na ikonsulta rin sa aking nasasakupan at bigyan ng sipi ang lahat ng mga barangay ng nasabi kong settlement agreement upang sila ay maging katuwang namin sa pag-arrive sa isang tama, makatotohanan at makatarungang desisyon. Kung sakali po ako ay idimanda at mag-distribute po ako ng kopya ng nasabing settlement agreement ako po baga ay inyong ipagtatanggol? (Tawanan)

Roque: Ipagtatanggol po natin yan. Dahil ang sasabihin naman natin sa Barrick, meron na po tayong Saligang Batas dito sa Pilipinas na nagsasabi na merong karapatan po ang publiko sa mga impormasyon lalong-lalo na sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa interes ng publiko. At dahil itong kasunduan pong ito ay isa dun sa mga bagay na yan, sa tingin ko naman ang dapat masunod ang ating Saligang Batas at hindi ang Barrick.

Bokal Caballes: ...Maraming maraming salamat po Attorney Harry Roque. Ngayon po ay libre na po kaming mamahagi ng sipi ng nasabi kong settlement agreement.

Roque: Sa tingin ko po dahil nung nandito naman ako nung unang pagkakataon, at sinabi rin naman ni Attorney Skip dahil nag-uusap na nga kung tatanggapin ito, hindi na dapat magreklamo ang Barrick. Dahil kung ang lumabas naman dito ay sasabihan naman ng mga taga-Marinduque na (inaudible) ... e di wala bale wala rin yung kasunduan na yun...

No comments:

Post a Comment

Moriones Festival in Marinduque Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Theme images by Bim. Powered by Blogger.