Latest News

OL' STYLE POLITICS ESCALATING


(View of the mid-portion of Marinduque mountains. Brace yourself for a very tumultuous ride henceforth)

The power crisis in Marinduque has escalated into an all-out war staged by the Camp of Congresswoman Carmencita Reyes, who has declared her intention to run for the position of Governor in the May 2010 elections, against the incumbent Gov. Jose Antonio N. Carrion. The local media machinery ranging from 'text brigades' to radio-TV programs have been activated by the said powerful camp. Reyes accuses Carrion of trying to extort money from 3i Powergen and that it is the principal reason why the said company backed out of the contract, "umatras na".

Gov. Carrion has declared that he "will not go down to the level of text brigades" and the ways of traditional politics, believing that the people of Marinduque are mature enough to understand the root and real causes of the current energy crisis.

Meanwhile, Napocor has guaranteed the arrival of a power barge from Palawan with units with a total capacity of 3.1 MW to temporarily resolve the local crisis. An interim power supply agreement between Napocor and Marelco is being proposed with the latter still adamant to accept the proposal.

The Office of the Governor of Marinduque issued the following statement (an updated version in Tagalog of an earlier post made by this blogger on this site):


ANG PINAGMULAN NG POWER CRISIS
SA MARINDUQUE


Maging impormado, makialam po tayo!

Sa isang pagpupulong kasama ang Department of Energy at Napocor noong 2004, ang Marelco ay nagdesisyon na humanap ng sarili nitong New Power Provider (NPP) na maga-supply ng kuryente sa Marinduque.

Sa kasunduang ito, ang gagampanan lamang ng Napocor ay limitado sa pagsasaayos ng kasalukuyang kapasidad ng mga units sa Bantad, Poctoy at power barge sa Balanacan na hiniling ni Gov. Carrion noong 1997 sa kanyang termino (1995-1998).

Ang mga units ng Napocor sa kasalukuyan ay mga sira o luma na kaya’t ang kapasidad nito ay mahina na rin. Ang Marinduque ay umaabot sa 6.76 MW ang pangangailangan. Subalit sa kasalukuyan ay hanggang 3.1 MW lamang ang kakayahan ng Napocor.

Ang desisyon ng Marelco noong 2004 na humanap ng New Power Provider ang nagbukas sa privatization ng Napocor sa ilalim ng Small Power Utilities Group (NPC-SPUG). Dito na pumasok ang 3i Powergen, Inc.

3i POWERGEN, ang New Power Provider:

Ang kontrata na pinirmahan ng Marelco at Napocor ay nagkabisa noong Sept. 27, 2005. Kasama bilang testigo sa pirmahan ang dating Cong. Edmundo Reyes, dating Gov. Carmencita Reyes at dating provincial administrator, Luisito Reyes. (SP Public Hearing Sept. 30, 2009).

Ang 3i Powergen, Inc. ay magpapakilala sa bagong teknolohiya sa power generation sa pamamagitan ng pag-gamit ng wind energy. Gagamit ito ng Wind-Diesel Hybrid Technology upang sagutin ang pangangailangan ng lalawigang Marinduque sa elektrisidad.

Magtatayo ito ng planta ng hybrid wind-diesel na may kapasidad na 15-MW na nangangailangan ng investments na nagkakahalagang P 677-million.

Ang commercial operation ng planta ay nakatakdang magsimula noong Pebrero 2007, sa ilalim ng kontrata. HINDI NAGAMPANAN NG 3I POWEREN ANG KANILANG TUNGKULIN ng naaayon sa nasabing kontrata. Kinumpirma ng Bise-Presidente, Domingo Lagundi, Jr. ng nasabing kumpanya na bangkarote na ito at ang mga financiers nito ay umalis na sa bansa. Ayon din ito sa pahayag ng Marelco sa SP Public Hearing, Sept. 30, 2009.

Nagkaroon din ng kahalintulad na usapin ang 3i Powergen sa lalawigan ng Romblon na kung saan ang Romblon Electric Cooperative, Inc (Romelco), ay nagkaroon din ng suliranin sa hindi pagtupad ng nasabing kumpanya nang naaayon sa napirmahang kontrata sa pagitan ng 3i Powergen at Romelco. (Energy Summit, MSC, Oct. 9, 2009)

NAPOCOR, ang Power Development Entity:

Ang Napocor na pag-aari naman ng gobyerno ay nagpaplano pa lamang sa kasalukuyan na maghanap ng salapi para mapondohan ang kanilang Small Power Utilities Group (SPUG) para sa pangangailangan sa susunod na taon. Ang SPUG ang missionary electrification arm ng Napocor, na nagsasagawa ng mga pangunahing hakbang para sa kaunlaran ng kuryente sa mga missionary areas tulad ng Marinduque.

Dahilan sa kontratang napirmahan noong 2005, (3i Powergen-Marelco), ay inasahan ng Napocor na maisasakatuparan ng 3i Powergen at Marelco ang nasabing kontrata at hindi na aasa sa usapin ng power generation mula sa Napocor ang Marinduque.

Kung walang naging kasunduan ang 3iPowergen at Marelco na naging tunay na pangunahing balakid sa usapin ng elektrisidad sa Marinduque imbes na makatulong, ay nakahanda namang mag-supply ng elektrisidad ang Napocor anila sa Marinduque sa loob ng sampung (10) taon pa. (Energy Summit, Oct. 9, 2009)

MARELCO, ang Power Distributor:

Ang Marinduque Electric Cooperative, Inc. (Marelco), ay nabubuhay bilang isang kooperatiba sa ilalim ng jurisdiction at control ng National Elecrification Administration (NEA). Pangunahing responsibilidad ng Marelco ang distribusyon ng elektrisidad sa Marinduque.

Sa ilalim ng Republic Act 9136 o ang tinatawag na Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), ang mga electric cooperatives ay binibigyan ng kalayaang magdesisyon na magrehistro alinman sa Cooperative Development Authority (CDA) o di kaya ay sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon sa R.A. 9136, ang mga electric cooperatives ay marapat na maging malaya at madama ang principles of democratic control, autonomiya at tunay na kalayaan na kung saan ang general membership assembly ang pinakamataas na bahagdan na nagsasagawa ng polisiya at desisyon na may karapatang ipatupad sa cooperative board of directors and management kung ano ang ninanais nito, ay hindi ang mga ninanais o kapritso ng alin mang ahensya ng pamahalaan.

Sa ganitong paraan ang mga kooperatiba ay magkakaroon ng kakayahang lumago bilang self-sufficient at independienteng organisasyon tulad ng itinalaga sa ilalim ng Philippine Cooperative Code of 2008.

Higit na mahalaga, ang pagre-rehistro ng mga kooperatiba sa ilalim ng CDA ay mangangahulugan ng exemption sa pagbabayad ng buwis mula sa LGUs sa real property, franchise, income, importation ng mga kinakailangang equipment, value-added tax (VAT). Ang mga ito ay mangangahulugan ng mas mababang presyo ng elektrisidad para sa kapakanan ng mga miyembro-kliyente-nagmamay-ari.

Ang Marelco, sa kasamaang-palad ay nagdesisyon na hindi magrehistro sa Cooperative Development Authority o sa Securities and Exchange Commission. Dahilan dito, ang Marelco, bagamat gamit pa rin ang salitang “Cooperative” sa pangalan nito, ay hindi maituturing na isang independienteng organisasyon kundi isang organisasyon na nasa ilalim ng ano mang naisin o kapritso ng alin mang ahensya ng pamahalaan.

Inamin naman ito ng Marelco. Halimbawa, sa usapin ng pagpirma sa kontratang 3i Powergen-Marelco, hindi anila kayang hindi pirmahan ang kontratang ito na ayon sa kanila ay inilatag na lamang sa kanila para pirmahan. (Bueno, SP Public Hearing Sept. 30, 2009, at Arevalo, Energy Summit, Oct.9, 2009)

Hindi rin nagkaroon ng konsultasyon sa publiko. Tungkol sa kontrata, ayon mismo sa Marelco “walang ginawang konsultasyon at ang usapin ay sa loob lamang ng Marelco sapagkat maaring mahirapan ito sa pagpapaliwanag sa mga ordinaryong consumers”. (G. Bueno, SP Katitikan, Agosto 11, 2008).

Ilang dapat isagawa para sa ikalulutas ng suliranin:

1. Pawalang bisa ang kontrata sa 3i Powergen.
2. Gawing tunay na Kooperatiba ang Marelco sa ilalim ng
Cooperative Development Authority (CDA).
3. Panibagong Interim Power Supply Agreement sa Napocor.
4. Pagsulong ng tuluyang Kalayaan mula sa mga tradisyonal na
pulitiko ng sinaunang sistema.


(Tanggapan ng Punong-Lalawigan)

No comments:

Post a Comment

Moriones Festival in Marinduque Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Theme images by Bim. Powered by Blogger.