Produced by The Center for Environmental Concerns-Philippines and the Marinduque Council for Environmental Concerns (published on YouTube in 2012), the title is: Breaking the Chains of Imperialist Mining (25 minutes).
No reference to Marcopper, Placer Dome nor Marinduque in the title but it's just simply about all of them with quite a few mouthfuls revealed. Some may find parts of the narrative shocking even today, particularly those who have enjoyed their sleep of nights for decades.
But hearing it straight from the lips of government officials, doctors, scientists, farmers, fisherfolks, environmental advocates, Catholic priests and children/youth who underwent detoxification could still blow your mind. You might find yourself emphatizing with some of their deepest feelings if you're one of those inclined to feel a tinge of malasakit.
Portions of the video were taken in earlier years and in 2004. The re-opening of the mines was being pushed by the powers that were, even when the foreign mining partners had stunningly fled the scene to escape responsibility.
Bahagi ng mapapakinggan mo:
Matapos ibigay ng Estados Unidos ang huwad na Kalayaan noong 1946, ang bansa at likas na yaman ay nanatiling hawak ng mga dayuhan at ng mga kasabwat na pulitiko at panginoong may lupa o mga naghaharing-uri ng bansa. Ganito ang nangyari sa Marinduque.
Kasabwat din sa pandarambong ang mga pulitiko't panginoong may lupa sa mga lalawigan at rehiyon. Sa Marinduque, ang panginoong may lupa na pamilyang Reyes ay nananatiling makapangyarihan pati sa usapin ng pagpapahintulot ng pagmimina...Pasok ang footage kay Father Malapad:
Dahil sa totoo lang ay nagsasalita sila na ibig sabihin ay sila ay hindi papayag na magbukas ang Marcopper, ang minahan, pero ngayon ay talagang sigurado na yung kanilang posisyon na sila'y pabor doon sa pagbubukas ng minahan.Sabi ni Vinia, naging biktima ang anak dahil sa lason dulot ng mina:
"Kung ako laang ang atanungin, matindi ang galit ko diyan... Sila'y mga walang puso, walang kaluluwa. Sariling bulsa laang nila ang kanilang inapuno. Alam laang nilang busugin ay ang kanilang sikmura."
Sa Mogpog River. "Umulan laang ng kaunti ay kuwan ay umaagos yung naga-asul-asul.. tilapya patay lahat pati hipon", "Wala na pong katapusan ang problema namin dito".
Deklarasyon naman ng Governor Carmencita O. Reyes:
"Marcopper had paid 7.8 billion pesos in taxes, generated 1.2 billion dollars in current exchange". (Reyes)Ayon naman sa dating Mayor Percy Morales ng Sta. Cruz:
"84 million dollars annually ang magiging income ng national government..."Sambit tuloy ng Macec:
"Samantalang hanggang ngayon ay may utang pa sa real property tax sa bayan ng Sta. Cruz at sa buong Marinduque ang Marcopper-Placer Dome." (Umabot na sa higit P 1-Bilyon ang utang sa buwis ng Marcopper sa Marinduque).
Sa usapin naman ng walang katapusan at walang kasawa-sawang pangako ng mga ganid, ay deretsahan din ang mga salita.
Patunay ni dating bokal Lety Monte ay ganito::
Maraming pangako, katulad ng may power subsidy, may employment... apprenticeship, may medical mission pa, tapos ang pangako pa sa barangay na 7% ng 1.8 million bawat barangay bawat taon ay ibibigay sa barangay... parang pinapangako na nila ang langit at mga bituin para masungkit ang pag-oo ng mga barangay.
Pag-oo raw saan? Para sa pag-gamit palang muli ng Calancan Bay bilang tambakan ng tailings!
Patotoo ng isang barangay kagawad:
"Sinabi rin sa memo na binasa sa amin ay ang pagtatambak ng basura ay dito raw muli sa Calancan Bay. Iri ay yung muling pagtatambak ng basura nila. So iyon ang mahigpit na tinututulan talaga..."Footage ni Dr. Catherine Coumans ng MiningWatch Canada:
"I heard this morning that the plan is to dump the waste again to Calancan Bay... and how the Philippine Government could even contemplate such a thing is beyond me."Balik sa ating barangay kagawad:
"Nagmungkahi kami na dadaanin sa assembly, subalit ang aming kapitan ayaw pumayag sapagkat ang gusto niya ay siya na yung mag-house-to-house, magpapirma..."Iginiit naman ng isang pinapapirma:
Ay yung pinapirmahan na kung gusto nganing matuloy ang tailing ulit dito ay yung hindi mapirma ay hindi raw kakapasok sa Marcopper, ay di ito anakin ay pananakot.
Ayon kay Dr. Romeo Quijano, Toxicologist ng UP College of Medicine tungkol naman sa P 20-million USGS study ay "kitang-kita diyan yung sabwatan":
"Ginastusan nila ng napakalaki, samantalang nung humihingi ng budget ang Toxicology Team ng Pollution Control at Department of Health hindi nila mabigay ang budget na yoon. Parang inaabswelto nila yung Marcopper.
"Sa balita ko nga ay mismong si Congressman (Edmund) Reyes, pa nga ang nagfacilitate ng USGS study diyan at nagbigay ng false hopes. E talagang kitang-kita diyan yung sabwatan ng big business, ng national government at pati, to a certain extent, ang local government sa tingin ko."Dr. Aloysius Baez, Head Spokesperson CEC-Philippines:
"Ang tiyak lang diyan ay, in due time, puwedeng ang lahat ng tao ay puwedeng maapektuhan."
Moral lesson ayon sa dokumentaryo
"Ang trahedyang sinapit sa Marinduque ay patuloy na nagsisilbing aral sa iba pang lalawigan at kabayanan sa ating bansa, bagay na nagpapalakas sa pambansang pagtutol sa pagmimina ng makadayuhan kontra kaunlaran at kontra mamamayan."
"...Sa ating sarili, sa ating bayan, hindi lamang ngayon kundi para sa mga susunod na henerasyon."
At ni Father Allan Malapad:
"Kasama din tayo sa simbahan ng mga dukha. Pero ang tanging posisyon nga lamang namin ay ipaglaban at manindigan".
Voice-over:
"... Sa kabila ng mga mapanupil na mga batas, mga pangakong mapanglinlang, at pagtatalaga ng maraming militar sa area para supilin ang mga mamamayan, ang paninindigan ng mga mamamayan ay nananaig, Ito ang paninindigang kalagin ang kadena ng pagkaalipin sa makadayuhang pagmimina sa lalawigan ng Marinduque.
"... Patuloy na iginigiit ng mga Marinduqueno, sampu ng mga makabayan, makamamayan at makakalikasang organisasyon ang mga panawagang ito."
Ano ang iginigiit na 'panawagan'?
Immediately decommission all mine structures specially the tailings dams and ensure that further spills are prevented.
Remove and clean-up all toxic wastes from the mine pits, tailing dams, rivers, tailings contaminated lands and all other areas affected by mining and establish a program for the rehabilitation of Marinduque.
Marcopper-Placer Dome must pay all back wages and benefits of all previous workers and employees.
Ensure the people's easy access to safe, clean, sufficient and affordable water.
Provide free continuous and full medical support for all suspected victims of mine-related illnesses.
Marcopper-Placer Dome must immediately pay just compensation and provide alternative sources of livelihood to all its victims of irresponsible mining.
Permanently ban mining in Marinduque.
Prosecute all Marcopper-Placer Dome and government officials liable for the plunder and destruction of the environment and for the damage to the health, livelihood and well-being of the people.
At ang pakikibaka raw na ito ay patuloy na isasagawa "sa diwa patriyotikong pakikibaka ng mga Katipunerong Marinduqueno".
Dahil daw:
"Nagpapalit-palit ang mga pangulo, subalit wala ni isa ang tunay na nakinig at tumugon sa isyu ng mga Marinduqueno. Itinuturo ng kasaysayan na walang ibang maaasahan kundi hindi ang pagkakaisa at samasamang pagkilos".
Pero naasa ngani ng husto ang mga Marinduqueno na may pagbabagong magaganap sa wakas sa usaping ito. Sa ilalim ng bagong pamahalaang Duterte!
"Sa diwa ng patriyotikong pakikibaka ng mga Katipunerong Marinduqueno, ang ating paglaban para sa pagpapatigil sa imperyalistang pagmimina at para sa makatarungang pamahalaan ay nagpapatuloy."
Credits: Malu Maniquis, CEC-Philippines, MACEC Marinduque in cooperation with Development and Peace, Institute for International Cooperation of the German Adult Education Association.
No comments:
Post a Comment