Latest News

Sa paglapit ng Kampanyahan sa Eleksiyon, nangungutang ng kalahating Bilyon ang Kapitolyo ng Marinduque for infra na naman kuno!

Dahil diumano nahihirapan na silang mga nasa poder na diktahan ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng DPWH sa pag-award ng infrastructure projects - dahil ang desisyon na ito ay hawak na ngayon ng Regional Offices, para mabawasan daw ang CORRUPTION sa local level,  kailangan namang gumawa ng para-paraan silang sanay na sa bulok na kalakaran sa gobyerno para makapag-ipon ng limpak-limpak na salapi para sa darating na eleksiyon atbp.

Noong 2013, mariing tinutulan ng Civil Society Orgs (tulad ng Marinduque Movers) at ilang LGUs ang binalak na pangungutang ng Kapitolyo ng Marinduque sa bangko sa halagang P 150-Million na sa opisyal na dokumento naman ay lumobo sa P 300-Million. Kailangan daw ang ganoong halaga para sa pagpagawa ng airport, at iba pang imprastruktura sa Marinduque.

Idiniin ng Movers noon na ang mga ganitong proyekto ay may mga kaukulang pondong nakalaan mula sa national government tulad ng PDAF at iba pang pondong mula mismo sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan. Malakas naman ang usap-usapan na tulad ng nakagawian na, mga infra projects ang pinakamadaling pagkunan ng pondo at komisyon kapag malapit na ang eleksyon.

Hindi itinuloy ang pangungutang dahil sa mga protesta. Subalit natuloy naman ang pagpapagawa ng Marinduque Airport (na ginagawa pa rin kahit may mga kamay na ayaw ipagpatuloy nito dahil diumano sa hindi pagiging alyado ng nakipagkontrata sa nasa poder, samakatuwid anila ay dahil "walang delihensya"). 

Natuloy ang pagpapagawa ng mga kaukulang istruktura dahil nga sa nakalaan nang pondo mula sa national government at hindi dahil sa pangungutang. Yun nga lamang, ayon sa COA REPORT CY 2013, maanomalya ang ilan sa mga infra projects na isinagawa at pinapabalik na ang ilang milyong pisong maanumalyang pondo matapos ma-audit. Basahin dito ang COA Report.


Ngayon naman, lingid sa kaalaman ng publiko, may P 500-MILLION na UTANG ang inilalakad ng Kapitolyo ng Marinduque sa kaukulang Bangko para din sa "Infrastructure projects" na balak ipatupad sa panahon ng kampanyahan sa Eleksyon tulad ng dati. Kopya ng SP Resolution sa itaas).

(Resolution No. 319 Series 2014 Authorizing Governor Carmencita Reyes to negotiate a Loan Agreement for P 500-MILLION with any government bank for infrastructure projects and engineering works.)

FLASHBACK SEPTEMBER 8, 2012 (Marinduque Rising):

What again is the P300M loan for?

Reyes: “Third, that’s for a Sports Complex. Many LGUs have obtained bank loans to promote tourism in their area..(blah-blah-blah).”

Reyes: “Fourth, that’s for Education. Pareng Edmund’s scholarship program must be revived…” 

The script dictates that the people of Marinduque must never be given the impression that the scholarship program of their perceived political enemy is working, and working well, openly admitted by a high ranking school official of the state college, for one, as the ‘biggest number of scholars granted to their students in the school’s history’.

Reviving a son’s previous scholarship program at the approach of elections to the extent that a provincial loan must be obtained simply sounds outrageous. Nonetheless, such Reyes scholarships are now being distributed out of capitol funds at the Reyes residence in the Boac Poblacion to college recipients who must be accompanied by immediate family members (who must be political supporters), in receiving the cash as shown in this photo taken Aug. 29, 2012:




What about the Php 300-million Term Loan with PNB?

Reyes said: “That’s just a Credit Line for P300M, we will only borrow what we need (sang-ayon sa kakailanganin lamang); the rest of the amount will be used only as “paghahanda, contingency, kung sakaling hindi makapaglabas ng pananalapi ang DOTC (for airport runway); “Opisyal na ipinahatid ng pamunuan ng PNB ang kanilang kahandaan na pagkalooban ang Lalawigan ng Marinduque ng Credit Line…”

But, in the first place, was the Governor of Marinduque authorized to negotiate for the amount (P300M), she proudly confirmed over the radio, when in fact the Sangguniang Panlalawigan of Marinduque in its original resolution specified the amount of P250-M, later amending it to P150-M as broadcast over the radio and confirmed by the Bokales, with a sudden shift in purpose when a public outcry got louder?

Remember that the SP initially specified that the loan is for ‘road network infrastructure development project’, then altered the words through a new resolution to ‘road network infrastructure projects and for other priority socio-economic development programs’, then deciding to alter it again to just ‘P100M for Marinduque Airport Runway and P50M for farm-to-market roads.’ Topsy-turvy flip-flops, and there’s more!

Are these tell-tale signs of an abnormal and nervous rush to just produce crispy moolah for election campaign purposes? Re-elections must be guaranteed with money changing hands as early as now; the filing of certificates of candidacy comes in just a month from now, as we know. And, it’s probably really difficult to turn down an alleged P1-M (in CDF?) for each Bokal once the loan is consummated?


FLASHBACK, FEBRUARY 8, 2013, (Marinduque Rising):
With three months to go before the national and local elections, and even as the Department of Transportation and Communications (DOTC) has approved a P100-M grant for development of airports that include the Marinduque Airport (see article below), the administration of Gov. Carmencita O. Reyes is still pushing for a term loan with Philippine National Bank (PNB), for the very same project for which P100-M has been earmarked.

In Resolution No. 865 series 2013 the Sangguniang Panlalawigan reaffirmed the intention of the Provincial Government to pursue the loan "notwithstanding the objection of some sectors".
It will be recalled that in October last year the Marinduque NGO, Marinduque First Saturday Movers (Marinduque Movers), protested the loan proposal through a resolution. The said resolution stated that "the flip-flopping SP Resolution only shows how the proponent of the loan (Provincial Government of Marinduque), has no clear idea on the exact amount they need and it follows that they do not have, again, a clear idea on what projects are to be undertaken". The group added that "the repair of airport runway is a national government concern and repairs should be undertaken by the DOTC and not by the Local Government. Read


File photo: Marinduque Movers, 2012

No comments:

Post a Comment

Moriones Festival in Marinduque Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Theme images by Bim. Powered by Blogger.