Latest News

Nevada case ng Marinduque: Pahayag ni Bokal Lyn Angeles

Pahayag ni Bokal Lyn Angeles, sa 18th Marcopper Disaster Anniversary,
March 24, 2014, Boac Covered Court

"...Sa findings ng kanilang pag-aaral (USGS Study), noon pa lamang po ay nakita namin na meron na tayong puwersa o ebidensyang puwedeng gamitin. Nang tinanong natin sila during that time kung gaano sa tingin nila ang kakailanganin para maisaayos ang mga environmental damages na ginawa ng Marcopper sa ating lalawigan, ang sabi nila… kukulangin ang isang daang milyong dolyar (USD 100-Million) for the environmental component alone. Hindi pa kasama diyan ang health component, 'yung pagkalason ng ating mga kababayan.

"Environment component alone, kulang ang isandaang milyon. During that time, sabi namin, saan por diyos por santo, natin kukunin iyan. And that was the primary motivation, noong mga panahong iyon 2002, 2003, 2004 para tingnan ang international venue para maghabol sa culprit – para habulin ang kumpanya..."


"Ako ay umasa, ako ay nangarap na yang kasong iyan ang makakatugon sa kawalan natin ng kakayahan para i-rehabilitate kung ano man ang ginawa ng kumpanya, na napakalaking pera, na ang Pamahalaang Panlalawigan o Pamahalaang Pangnasyunal naman ay hindi natutugunan yung kakulangan ng pera na iyon. 

"Umasa tayo na dahil sa kasong iyan ay mareresolba natin ang damage ng kumpanya. Unfortunately, eto nga po ang nangyari, na medyo dulo na, na kung saan nagkaroon ng mungkahing settlement matapos ang isang buwan na pakikipag-usap. Ako, personally, sinuportahan ko pa rin, in principle, sa aking puso yung mapayapang pag-uusap para maresolba ang kasong ito.

"Pero yung resulta na ito, yung settlement agreement na nasa aming kamay, ang posisyon ninyo ay posisyon ko rin simula pa nung una.

"Tama ho yung binabanggit ng ating mga kasamahan. May posisyon na ang Sangguniang Panlalawigan as early as October – with regard to the original proposed settlement agreement na ipinasa sa amin. Tama din si Konsehal Myke na pagkatapos isumite ang revised version, dapat din na kaming magkaroon ng panibago o renewed position. 

"Gusto ko lang hong banggitin sa inyo na ang aking binabanggit ngayon na pakikiisa sa sentimyento ninyo,  ay yun atin hong posisyon na talagang ito’y hindi katanggap-tanggap. Ito ho ay isinulat ko na rin, at inilagay ko noong two sessions ago, isinumite ko ho at ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan ang isang dokumento na ang title ay “General Comments” ng inyong lingkod sa proposed settlement agreement na ngayon ay aming pinag-aaralan.

"Kasama po ng dokumentong iyon ay isang resolusyon na aking iminungkahi, na ang esensiya po ay ito: Ito ay isang resolusyon na nagpapahayag ng patuloy na willingness, na patuloy na pakikipag-usap sa kumpanya. Subalit, nagle-lay down na ng mga non-negotiable terms and conditions. Limang non-negotiable terms and conditions po ang sinasabi natin dito. Mag-usap tayo, pero itong limang bagay na ito ay hindi na puwedeng magbago sa posisyon ng lalawigan.

"Ano po yung mga non-negotiable terms na yun na ipinasok natin sa ating proposed ordinance two sessions ago? Una, yung sinasabing hindi katanggap-tanggap na mga kundisyones, ay tanggalin 'yan in-toto. Maliban sa isa na sa tingin ko ay puwedeng tanggapin yung isang issue, at yun din ang paniniwala, sa tingin ko, ng ating mga kasamahan.

"Yung isang dokumento na kasama sa settlement agreement na tinatawag na Proposed Indemnity Agreement, tanggalin 'yan, in totality. Hindi ninyo po 'yun masyado nababasa pero 'yan ho ay isang nakakaloko rin na agreement. At 'yun hong sinasabi na hindi puwedeng gamitin 'yung pera sa rehabilitation, sa environmental rehab, na naging damage ng Marcopper, hindi rin 'yan katanggap-tanggap sa atin. 

"At yun pong pagwe-waive ng rights na nabanggit ni Konsehal Myke, na hindi dapat sinasakop ang waiver ng rights ng mga kaso na hindi naman direktang kaugnay sa kasong isinampa sa Nevada,  narito ang mga Plaintiff, nagsariling-sikap na nga na magsampa ng kaso laban sa kumpanya.

Ilan sa mga Plaintiffs na sumama sa rally. Mga hiwalay na kaso ang naunang isinampa nila sa ibat-ibang korte sa bansa laban sa kumpanya.

"Mas nauna pa nga sa Pamahalaang Panlalawigan, lalo na ang Rita Natal para sa naging problema nung 1993 sa bayan ng Mogpog . Tapos i-we-waive pa namin at isusuko pa namin, hindi namin puwedeng gawin yan, tanggalin din yan. Isa pa, 'yung tinatawag na Waiver for Future Course of Action. 

"Kasi dito sa settlement agreement na ito, gusto ng kumpanya na isuko natin hindi lamang ang karapatan ng kasalukuyan, kundi ang karapatan ng mga darating na panahon, at hindi rin lamang dun sa mga course of action na nakikita na natin sa kasalukuyan kundi any course of action in the future that may be related to the operation of the mines. Hindi rin 'yan puwedeng katanggap-tanggap.

"Ngayon kung sa tingin nila ay hindi nila katanggap-tanggap yung hindi natin katanggap-tanggap, then tama na ang pag-uusap na ito. Forget it. So 'yun ho ang nilalaman ng proposed resolution na 'yun na inaasahan ko na, sabi nga ni Konsehal Myke, ay siguro i-renew namin, magkaroon kami ng panibagong posisyon at updated position. Ito pong resolution na iyon at saka yung comment na iyon ay nai-refer na po sa Committee of the Whole.

 "Kaya narito naman ang ating mga kasama, si Bokal Tet ay nagpahayag ng pagsuporta na ayaw din sa hindi katanggap-tanggap na kundisyon na yan. Nariyan din ang ating kasamahan sa ABC na Liga President (Nepomuceno), nariyan din si Bokal Mark Seno, apat na kami. Yun ding aming mga kasamahan siguro ay hindi tututol sa isang resonableng resolusyon. 

"Sa susunod na sesyon, sa Wednesday, hihilingin ko na ipa-agenda na muli ang resolusyon na iyon. para magkaroon ng panibagong posisyon ang Sangguniang Panlalawigan – na kung hindi rin lamang natin maa-achieve yung gusto natin, “take it or leave it” na rin sa kumpanya. Kung kailangang itama na o ihinto na ang pag-uusap,  ihinto na dahil, it’s just wasting our time.

Bahagi ng mga sumama sa rally.

"At saka ang inyo po namang lingkod, huwag kayong mag-alala, I am already a step forward. Isa na rin po ako sa talagang naghahanap, nakikipag-usap sa mga network kung sakaling iwanan tayo ng abogado ay hindi puwedeng tayo ay helpless, kailangan ay gumalaw rin tayo. Kaya ang inyo pong lingkod hindi lamang sa desisyon sa Sangguniang Panlalawigan, I am already preparing my next step just in case umalis na ang ating abogado, who we believe or others also believe, don’t seem to represent anymore the concerns of the province.

"Huwag po kayong mag-alala, I was with you and I am  still with you. I will always be with you sa ating pakikipaglaban sa kung ano ang makakabuti sa ating bayan…"

No comments:

Post a Comment

Moriones Festival in Marinduque Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Theme images by Bim. Powered by Blogger.