Excerpts from public statements made by some elected officials of Marinduque on the proposed Nevada case settlement offer from Barrick Gold during the protest rally held on the 18th Anniversary of Marcopper Mine Disaster, 24 March 2014, in Boac, Marinduque.
Konsehal Myke Magalang:
"...ito po yung kritikal na bahagi...buti po at sinabi ni Bokal Allan (Nepomuceno), yung Sangguniang Panlalawigan ay nagpasa ng Resolusyon noong October 2, 2013. Pagkatapos po nung resolusyon nila ang kinatawan pong abogado ay nagkaroon ng representasyon sa Barrick. Sinabi po yung damdamin ng Sangguniang Panlalawigan.
"Pagkatapos po nito ilang linggo nagpadala po ng dokumento ang Barrick Gold, nagkaroon po ulit ng amendment dun sa mga dokumentong ipinasa sa kanila.
Konsehal Myke Magalang, SB Boac |
"Ito po'y natanggap nung November 1 sa pamamagitan po ng isang email dun sa ating kinatawang abogado at ito po ay muling ipinadala ng opisina ng gobernador sa Sangguniang Panlalawigan. Binigyan po ng sipi ang Sangguniang Bayan at ito po ang naging resulta dun sa Resolusyon Bilang 28 Serye ng 2014. Apatnaput-apat na pahina ng Sangguiang Bayan.
"So nakikiusap po kami sa Sangguniang Panlalawigan na muli po itong balikan. Dahil luma na po yung Resolusyon ninyo, nauna po ito dun sa mga amendments na ipinadala, dahil baka tayo po ay ma-default dun po sa ating negosasyon. Kaya pakiusap po na muling balikan at pag-aralan, sa ating mga kinatawan lalo na dito sa Unang Distrito..."
Konsehal Rolly Larracas:
Bahagi ng mga dumalo sa Kilos Protesta, Marso 24, 2014, Boac |
"..buhay pa yung negotiation. Ang Sangguniang Panlalawigan ay mayroon pang 60 days (mula March 24, 2014), para muling harapin yung negotiation issue.."
Bokal Mark Seno:
"Unang una po ganun din po sa nabanggit po ng ating kasamang Bokal Nepomuceno ang inyo pong lingkod talaga po ay isa sa tumututol na hindi tanggapin ang ino-offer ng Barrick sa ating lalawigan sapagkat talagang hindi po naman katanggap-tanggap ang termino at kondisyones na nakalagay para po sa halagang... pulos kabulaanan po at kasinungalingan po ang nakalagay po sa settlement agreement na binibigay po ng Barrick.
Bokal Mark Seno, SP |
Bokal Tet Caballes:
"Alam po ninyo aking mga kababayan ito pong settlement agreement ay hindi lamang po napapanaginipan ng inyong lingkod, bagkus binabangungot na po ako dito.
"Tama po si Konsehal Magalang. Nung una po kaming nagharap ng sinasabi pong Outside Legal Counsel ng pamahalaang panlalawigan laban po sa ating kaso sa Las Vegas, Nevada, ay ako po agad ay kanya pong hindi naman sinasabing "tinakot" pero yun talaga ang salita.
Bokal Tet Caballes, SP |
"Dun pa po lamang sa statement of stipulated facts na labingpito, wala po akong nakitang tama, Lahat po ito'y kabulaanan, panlilinlang, pang-aapi at pagsasamantala sa atin pong mamamayang Marinduqueno.
"Madali po sa mga hindi taga-Marinduque na magsabi at mag-advise at magbigay ng opinyon na maging praktikal na lamang daw po tayo at ganap ng tanggapin ang 20 million dollar na settlement.
"Ako po'y lubhang nasasaktan sapagkat napakadali po sa kanilang magsabi na ito na'y ating tanggapin... Kung naranasan po nila ang nasabi pong mine tailing noong 1996, ang mabilis na pag-akyat ng tubig, hindi po man lamang nila yan a-attempt na sabihin po at irekomenda sa amin na sinasabing mga decision makers.
"Una po, ako'y lubhang nagtataka sa personalidad ni Attorney Skip - kung siya ba talaga ay nagrerepresent pa ng kapakanan ng atin pong lalawigan o kung siya ba ay abogado na ng Barrick Gold.
"Sapagkat una ko pa lamang tinanong, at sa aming pag-aaral, ganap na po namin itong ibinasura. Napakamapanlinlang po ng sinasabing settlement agreement dun pa lamang po sa statement of stipulated facts. Lahat pong ito ay disadvantageous sa atin pong mga mamamayan.
"Huwag na po muna tayong magtungo dun sa halaga, dun sa indemnity at trust fund na sinasabi pong inaalok nila. Dun pa lamang po sa settlemet agreement ay mataas na po ang inyong presyon at sasabihin po ninyong tayo ay talagang tahasang niloloko't ginagawang mangmang nitong mga abogadong ito.
"Kung kayat sinabi ko kay Attorney Skip, at ako ay kanyang ipinahiya, maaari ko baga itong ikonsulta sa aking mga constituents na siya pong nagkaloob ng atin pong kapangyarihan bilang isa sa kinatawan ng unang distrito ng lalawigan ng Marinduque... Ang sagot po niya sa akin ay bakit daw ako naroroon bilang representante. Dapat daw ay desisyunan ko na.
"Hindi po ako abogado, kaming mag-asawa, pero hindi po natin kailangang maging abogado at legal expert upang malaman natin at marandaman na tayo'y niloloko sa nasabi pong settlement agreement.
"Kaya naman pala nun pa lamang po sa oras na yoon ay ganap, tahasan, at sinabi ko sa ating mga kasama na ito ay hindi ko matatanggap. Ito'y lagpas sa nature ng ating political affilliation, di po baga? Kaya't sinabi ko po at sila naman ay nakikinig, ang mayorya ng ika-13 Sangguniang Panlalawigan, sapagkat nang una po itong inihain sa amin pong plenary, ito po'y tahasang ibinasura.
"Tama po ang sinabi ni Bokal Allan at ni Bokal Mark Seno: October ng nakaraang taon ito po ay ibinasura ng ika-13 Sanggunaing Panlalawigan. Ngayon po ay may pakiusap ang kagalanggalang Myke Magalang na kung maaari ay amin ng desisyunan ang sinasabi pong settlement agreement.
"Nang atin pong nirebisa ang atin pong amended settlement agreement wala po akong nakitang malaking pagbabago. Yun pa rin po yuun. Yung sinasabi ni Attorney Skip na ito raw ay nagkaroon ng mga amyenda, wala po akong nakitang pagbabago.
"Kung kaya ang inyo pong lingkod ay mananatili, haharap, makikipaglaban na ang nasabing settlement agreement ay hindi tanggapin sa kanyang kabuuhan ng Pamahalaang Panlalawigan ng atin pong Marinduque..."
(may karugtong)
No comments:
Post a Comment