Isabel P. Ball: So assumed that the entire province of Marinduque is solidly against the settlement, and it was a verdict that they have made, but i hate the quietude that comes after it! What, how, where, when, who are we now on this? There ought to be a spokesperson with duty to update the public on every episodes. What's cookin" in the brew pot?
DULAANG BAYAN:
(Kontribusyon* ng isang mambabasa sa diwa ng Semana Santa sa Marinduque)
(Kontribusyon* ng isang mambabasa sa diwa ng Semana Santa sa Marinduque)
ISTASYON KUNG PAANONG NILAMON NG "SNOW FROM CANADA" ANG ILOG BOAC AT KABIHASNAN
(mula sa mga nagmamalasakit na mamamayan ng Marinduque)
Sinasamba Ka namin at pinasasalamatan Panginoong Hesukristo sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.
Tanda ng Krus.
O Hesus, tulungan mo kaming alalahanin ang mga misteryo nang hinagpis at trahedya ng mina. Pagkalooban mo kami ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan nang mga gumawa nito, at gugulin ang aming buhay para sa katarungan ng biktima noon at magpakailanpaman. Sa gayon, kami ay nakikibahagi sa kanilang paghihirap at pagpapakasakit, lalo’t higit ay hindi papayag sa kabulastugan ng nais ipagbili ang aming bayan!
(Sinimulan sa ibaba ang unang istasyon. Sa mga makakabasa nito, bukas ang mga pahina upang inyong punan ang ikalawa hanggang ika-14 na istasyon. Hinihimok, lalo na ang mga may kagyat na karanasan sa mina ng Marcopper, na makiisa sa panata na ito ngayong Semana Santa 2014.)
Unang Istasyon - Ang Huling Hapunan / Ang Pagkakanulo
Sino silang mga Judas ng bayan? Sino silang “take it” ang sagot sa tanong nang dyablong Placer-Dome-Barrick Gold? Mulang 1975 pikit-bulag po nilang sinirit ang lason sa mababaw na look ng Calancan, kainaman silang nagtampisaw sa tanso habang sa paparating na mga taon, lulunurin nila ang ating kabihasnan!
O Hesus, tulungan mo kaming alalahanin ang mga misteryo nang hinagpis at trahedya ng mina. Pagkalooban mo kami ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan nang mga gumawa nito, at gugulin ang aming buhay para sa katarungan ng biktima noon at magpakailanpaman. Sa gayon, kami ay nakikibahagi sa kanilang paghihirap at pagpapakasakit, lalo’t higit ay hindi papayag sa kabulastugan ng nais ipagbili ang aming bayan! Read more on ISTASYON
No comments:
Post a Comment