Bagong batas sa pagmimina, ipinanawagan sa Pasko ng Pagkabuhay
Nitong Pasko ng Pagkabuhay, ipinanawagan nga mga grupong makakalikasan kay Pangulong Benigno Aquino III na patotohanan ang panawagan nitong "magmalasakit sa kapwa" at ipag-utos ang pagsara sa mga dambuhalang operasyon ng pagmimina sa bansa at himukin ang Kongreso na ipasa na ang Alternative Minerals Management Bill.
Marcopper Mines in Sta. Cruz, Marinduque |
Ito ay reaksyon umano ng mga environmental at church groups sa Easter message ni Aquino, ayon sa kanya.
"Easter Sunday is a good occasion to remember the mining disasters that have affected the lives of mining communities that are continuously ignored and whose rights are violated with impunity," dagdag niya.
"Together with the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), the ATM, an alliance of mining-affected communities and their supporters, also calls for a moratorium on the issuance of new mining permits," aniya.
Sa kanyang Easter message, sinabi ni Aquino na dapat lahat ng mga Pilipino ay magpakita ng malasakit sa kapwa.
"Lubusin natin ang mga pagkakataong ito... Nasa kamay po natin ang susi ng ganap na pag-asenso. Tiyak pong sa ating malasakit sa isa't isa at sa patnubay ng Panginoon, mararating natin ang katuparan ng ating mga panalangin at mithiin," ayon sa Pangulo.
Ngunit, ayon kay Garganera, "protecting the environment, especially from destructive mining operations, is an expression of self-sacrifice for our poor brethren in mining-affected communities."
Dagdag pa niya, "there is no end in sight to mining disasters with the current policy in the mining industry under the Mining Act of 1995."
Napatunayan na umano sa mga trahedya sa minahan sa Marinduque at sa Compostela Valley, sampu ng iba pang sakuna mula s pagmimina, na walang naidudulot na kabutihan sa bansa at mga komunidad ang large-scale mining, bagkus kapahamakan at paghihirap lamang ang naaani ng sambayanan, aniya. — LBG, GMA News
No comments:
Post a Comment