Latest News

Continuation of Toto Nepo's post on Marinduque Capitol loan

Some of the heavy equipment that are subject of the P75-M loan have been already delivered to the Capitol during the term of former Gov. Bong Carrion.

8. Tungkol po sa P75-Million Loan ng nakaraang Administrasyon ni Gov. Bong Carreon na sinabing hinid pa rin dumarating ang mga heavy equipment, ang totoo po nito ay hindi nila kinukuha sa Pier ang mga natitirang ekwipo na hindi nailabas noong termino ni Gov. Bong Carreon dahil sa hindi malaman kung sino raw ang magbabayad ng cost of storage at demurrage ng kinakalawang na ekwipo sa pier. Ang totoo po ay saguting yan ng Pamahalaang Palalawigan kung walang tinutukoy sa kontrata kung sino ang magbabayad ng singil sa storage at demurrage.

Sa akin pong palagay, dahil po sa pamumulitika ay hindi na kukunin ang mga natitirang ekwiposa pier sa Maynila. Dahil matagal na pong panahon ang lumipas ang mga equipment po ay considered abandoned na at sa aking pagtantiya ay nailit na ng Bureau of Customs (BOC) o ibang pananalita ay forfeited na in favor of the government.

Ako po bilang concerned citizen at naghihinayang sa mga equipment ay nag-offer ng serbisyo para makuha nag mga equipment at ma-release from BOC custody pero hindi po ako nakatanggap ng kasagutan mula sa Gobernador.

Dapat po nating malaman at maintindihan na consummated na po ang pag-utang at ang bilihan ng mga heavy equipment na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan at ng Gobernador at kung ako ang tatanungin ay ang titulo na ng mga equipment ay sa Pamahalaang Panlalawigan na at dapat kuhanin para mapakinabangan na.

Sa totoo lang po ay isa kami sa nag parating ng reklamo sa Commission on Audit (COA) para i-audit itong pangungutang na ito at ang pag-iwan sa pier ng mga ekwipo.

Mayroon pong mga kasalukuyang Bokal na kasama sa pag-utang at pag-bili ng Heavy Equipment pero sa ngayon ay tahimik at walang ginagawa tungkol sa naiwang equipment sa pier.

Noon pong 1999 ay may Ordinansang Panlalawigan na Nagtatayo ng 2 Motor Pool, at 2 ring set ng Heavy Equipment, isa sa Sta Cruz para sa Sta. Cruz at Torrijos, at isa sa Boac, para sa Boac, Mogpog, Gasan at Buenavista, at ito ay nagsasaad ng maglalaan ng at least P5 Million para sa pagkumpleto ng heavy Equiopment para sa naturang 2 Motor Pool. Bakit kaya hanggang ngayon ay hinid pa rin makumpleto ang ating mga equipment? Saan napupunta ng P5MM every year na allocation na sa loon ng halos 10 taon at kung tutuusin at maroon ng P60Mllion kung tinutupad ang paglalaan ng P5MM taon taon.

Pagpapatayo ng sports complex. Noong 1988 pinatayo po namin ng Pamahalaang Bayan ng Boac ang isang Sports Oval sa lugar (Boac Reclamation Project) na sinasabing pagtatayuan ng Sports Complex. Sana po noon pa ay sinundan nga ang pagpapagwa ng Sports complex dito para naman sana ay sa panahon ngayon ay tapos na, ginagamit na at napapakinabangan na ng ating mga kababayan lalo pa ang mga eskwela. Bakit ngayon lang nila naisp ang ganitong proyekto? Dahil ba may pinapagawa na Sports Complex sa Sta. Cruz?

Ang ibang pondo ay gugulin sa edukasyon ng kabataan. Bakit ngayon lang? At saka libre naman po ang edukasyon mula elemntarya hanggang Mataas na Paaralan o High School. Bakit gugulan ang edukasyon?

Sinasabi na “maikli na ang panahon mga anak”, di po ba dapat “napakahabang panahon na mga anak”. Ang tanong po bakit po ngayon lang kayo nakaisip ng mga ganitong pangungutang at pagpapagawa ng kalsada , sports complex etc.

Sumasangayon po ako na hindi masama ang mangutang. Ang mga negosyante at ang mga nagtatayo ng industriya ay nangungutang, pero dapat po nating malaman at maintindihan na ang isang nangungutang ay dapat magbayad, hindi lamang ang halangang inutang kung hindi pati na rin ang interes o tubo sa inutang. Sa negosyo at industriya, sila ay umuutang dahil sa ang pinalalaanan nila ay pamumuhunan at alam nating lahat na ang negosyo ay may balik na kita at ang kinikita nila ang kanilang ipambabayad sa kanilang inutang na halaga kasama ng tubo. Sa kaso po ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang uutangin ay gagastusin sa pagpapagawa ng proyektong Nasyunal at pag natapos po ang proyekto wala namang maibabalik at sa katagalan ay muling ipapagawa at walang tunay na ibabalik sa kaban ng bayan.

Bakit ngayon lang?

No comments:

Post a Comment

Moriones Festival in Marinduque Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Theme images by Bim. Powered by Blogger.