Ipinaabot ni Atty. Lord Allan Velasco, provincial administrator at chairman ng Provincial Tourism Council na patuloy magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque ng mga hakbangin patungo sa pagyabong ng mga kagalingang pangkultura katulad ng isinagawang "Hapit-Himigan" choral competition sa Boac noong nakaraang Biyernes.
Sa kanyang talumpati sa nasabing okasyon, idiniin ni Velasco na tungkulin ng mga mamamayan na sumali o makisangkot sa pagbubuo at pagsusuri sa mga gawaing may kinalaman sa pagsulong ng ating sariling kultura, tradisyon at mga likha. Higit aniya itong binibigyan ng kahalagahan sa kasalukuyang panahon.
Buhay, aniya ang kultura sapagkat ito'y salamin ng mga paniniwala, kabutihang asal at mga panaginip, at isa itong lakas na kaagapay tungo sa pag-unlad ng lipunang tulad ng sa Marinduque. Binanggit ni Velasco na ang pagbibigay ng pagtutok sa kulturang Marinduqueno bilang bahagi ng pangkultura at pangturismong tulak ay magkakasama nang isinasagawa ng kapitolyo kaagapay ang mga pamahalaang bayan.
Binanggit din ni Velasco na ang mga isinagawang pagdiriwang tulad ng “Labanan sa Pulang Lupa”, o, ang pagbibigay ng panibagong sigla sa “Moriones Festival” at gayundin sa ibat-ibang municipal festivals mula sa anim na bayan na, na aniya, ay matutunghayan sa selebrasyon ng “Araw ng Marinduque”, ang pagsasaentablado ng ating mga awit, sayaw at mga kuwento sa pamamagitan ng “Viva Marinduque” project ay bahagi ng simulaing ito.
Ang pagbibigay aniya ng prayoridad at pagkilala sa lalawigan ng Marinduque ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts), para maisagawa ang ibat-ibang proyekto para isulong at mapalaganap nang ganap ang kultura at mga katutubong sining, ay isang matibay na indikasyon ng pag-usad ng lalawigan sa larangang ito.
Ang “HAPIT-HIMIGAN” ay hinirang ni Velasco bilang isang pagbubunyi sa pulong-lalawigan ng Marinduque sa pamamagitan ng awitin at nawa niya ay manatili ang ganitong gawain at "tuluyang makita ang kaganapan ng Kulturang Marinduque sa ating panahon!"
Itinampok sa choral competition bilang contest piece ang "Marinduque Akin Ka", titik at musika ni Eli Obligacion at inareglo para sa koro ni Norma Soldevilla. Sinalihan ito ng iba't-ibang choral groups mula sa bayan-bayan tulad ng Gasan IFI Vocal Ensemble ng Parish of St. Joseph, Reunited Choir of Boac North District, Live Echoes Choir ng St. Mary's College of Marinduque, Municipality of Mogpog Chorale at TORMEA Choir ng Torrijos. Nangasiwa sa competition si Gng. Fe Corazon Recalde ng ECCD. Naging mga hurado sina Gng. Norma Soldevilla ng Marinduque Midwest College, Dr. Roberto Montellano, Anacleto Mendoza, Dindo Asuncion at Eli Obligacion.
Recent Posts
Legal Disclaimer
Followers
Total Pageviews
Love for Marinduque Blog List
Blog Log
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Follow us on facebook
Popular Posts
-
Barangay residents learn the art of ceramics and pottery making. Photo with barangay officials and trainees with MSC president Romulo H. Mal...
-
Marinduque's birthday boy and 'LAV', Lord Allan Velasco sings "Salamat" by The Dawn: Salamat, tayo’y magkasamang muli ...
-
The four-day nito-weaving skills training program in Bocboc was successfully concluded with participants from barangays Bocboc and Puting B...
-
HERMENEGILDO FLORES: FROM BULACAN TO MARINDUQUE by Eli J. Obligacion (By coincidence, I am on my way to Marinduque from Malolos, Bulacan aft...
-
Sa Marinduque's Nevada case nandun si Roque, may kagilagilalas na sinasabi Si Harry Roque ang abogadong tumayo bilang "expert witne...
-
Some imaginative residents from the towns of Mogpog, Boac and Gasan are engaged in handicrafts and souvenir items that make use of dried bu...
-
(Ms. Nema Perlas (Brgy. Dawis) with nito vines as material for her costume) The town of Gasan, since the staging of the first Bb. Gasan Bea...
-
CALENDAR OF ACTIVITIES “SEMANA SANTA SA MARINDUQUE 2010” (As of today, March 23, 2010, as prepared by the Provincial Tourism Office based on...
-
Hermenegildo Flores, the forgotten hero from Bulacan. He wrote the poem “Hibik ng Filipinas sa Inang Espana” one that elicited poetic respo...
-
Some people apparently belonging to a certain political interest group in Marinduque are seemingly suddenly obsessed with, at the present t...
Mga taga Marinduque, dapat maspaganda, mas exciting, masmakulay, at maspinalakas, kasi naman po, may isang lalawigan na gumaya sa atin ng festival! yun ang pola at pinamalayan oriental mindoro na yan! eh! minura ako sa internet na sa kanila daw nagsimula ang morion festival, eh parang minura rin tayo nun! gaya gaya sila! ng festival!
ReplyDeleteang MARINDUQUE lamang ang CAPITAL OF MORIONES FESTIVAL IN PHILIPPINES! not mindoro!!!!!!!